PAGASA, iniulat ang patuloy na pagbuhos ng ulan sa bansa nitong Martes

Litrato mula sa Bombo Radyo

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magpapatuloy pa ang pagbuhos ng ulan sa buong bansa dulot ng Habagat (Southeast Monsoon) at localized thunderstorms nitong Martes, Agosto 18.

Ayon sa inilabas na 24-hour weather forecast ng ahensya noong hapon ng Lunes, Agosto 17, ang mga sumusunod na probinsya sa Luzon ay makararanas ng ulan hatid ng Habagat (monsoon rains), na maaaring magdulot ng mga malawakang pagbaha o pagguho ng lupa:

  • Benguet, 
  • La Union, 
  • Pangasinan, 
  • Zambales, 
  • Bataan, at
  • Occidental Mindoro

Ang mga sumusunod na lugar sa Luzon at Visayas ay makararanas ng mga panaka-nakang ulan (occasional rains) hatid ng Habagat na maaaring magdulot ng mga malawakang pagbaha o pagguho ng lupa:

  • Kalakhang Maynila,
  • Ilocos Sur,
  • Abra,
  • Tarlac,
  • Pampanga,
  • Bulacan, 
  • Nueva Ecija,
  • Cavite, 
  • Laguna,
  • Batangas,
  • Rizal,
  • Oriental Mindoro, at
  • Antique

Ang mga sumusunod na lugar sa Luzon at Visayas ay makararanas ng maulap na kalangitan na may dalang kalat-kalat na pag-ulan (scattered rains) at thunderstorms hatid ng Habagat na maaaring magdulot ng mga malawakang pagbaha o pagguho ng lupa:

  • Negros Island Region,
  • Ang mga natitirang bahagi ng Luzon, at
  • Ang mga natitirang bahagi ng Kanlurang Visayas

Ang mga natitirang bahagi ng Visayas ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may dalang kalat-kalat na pag-ulan (scattered rains) at thunderstorms hatid ng Habagat na maaaring magdulot ng mga malawakang pagbaha o pagguho ng lupa.

Samantala, ang Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may dalang panandalian at kalat-kalat na pag-ulan  (isolated rainshowers) at thunderstorms hatid ng localized thunderstorms na maaaring magdulot ng mga malawakang pagbaha o pagguho ng lupa.

PAGASA, itinaas ang Red, Orange, Yellow Rainfall Warnings sa iilang lugar sa Luzon

Itinaas din ng PAGASA noong Lunes ang mga Red, Orange, at Yellow Rainfall Warnings sa ilang mga lugar sa Luzon.

Ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng Red Rainfall Warning, na may kaakibat na panganib ng matinding pagbaha sa mga madaling bahain na lugar:

  • Bataan (Mariveles), at 
  • Batangas (Calaca, Balayan, Lian, Tuy, Calatagan, Agoncillo, Lemery, San Nicolas, San Luis, Taal, Bauan, Mabini, Tingloy)

Ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim naman ng Orange Rainfall Warning, na may kaakibat na patuloy na panganib ng pagbaha:

  • Zambales, 
  • Bataan (Abucay, Bagac, Balanga, Dinalupihan, Hermosa, Limay, Morong, Orani, Orion, Pilar, Samal), 
  • Pampanga (Floridablanca, Lubao, Macabebe, Sasmuan, Masantol), 
  • Bulacan (Hagonoy, Calumpit, Paombong, Malolos, Bulakan, Obando, Meycauayan, Marilao), 
  • Metro Manila (Valenzuela, Caloocan, Malabon, Navotas), 
  • Cavite (Maragondon, Ternate, Magallanes, Naic, General Emilio Aguinaldo, Alfonso), at
  • Batangas (Laurel, Santa Teresita, Cuenca, Batangas City, Alitagtag, San Pascual, San Jose, Lobo, Ibaan, Nasugbu)

Ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim naman ng Yellow Rainfall Warning, na may kaakibat na panganib ng pagbaha sa mga madaling bahain na lugar:

  • Rizal, 
  • Cavite (Amadeo, General Trias, Indang, Mendez, Silang, Tagaytay, Trece Martires, Bacoor, Carmona, Cavite City, Dasmariñas, Gen. Mariano Alvarez, Imus, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza), 
  • Metro Manila (Quezon City, Las Pinas, Muntinlupa, Parañaque, Taguig, Makati, Mandaluyong, Pasig, San Juan, Pasay, Pateros, Marikina, Manila),
  • Batangas (Malvar, Balete, Tanauan, Talisay, Lipa, Santo Tomas, Mataas-na-kahoy, Taysan, San Juan, Rosario, Padre Garcia), 
  • Laguna (Biñan, San Pedro, Bay, Los Baños, Calamba, Cabuyao, Santa Rosa, Alaminos, Calauan, San Pablo), 
  • Bulacan (Norzagaray, San Jose del Monte, Bocaue, Santa Maria, Angat, Pandi, Bustos, Plaridel, Guiguinto, Pulilan, Balagtas, Baliuag, San Rafael), 
  • Pampanga (Apalit, Minalin, Guagua, Arayat, Bacolor, Candaba, San Fernando, Magalang, Mexico, San Luis, San Simon, Santa Ana, Santo Tomas, Angeles, Mabalacat, Porac, Santa Rita), 
  • Tarlac (Bamban, Capas, San Jose, Mayantoc, Santa Ignacia, Camiling, San Clemente), at
  • Quezon (San Antonio, Tiaong)

Malacañang, sinuspinde ang trabaho sa gobyerno, klase hudyat ng rainfall warnings

Kasunod ng inilabas na rainfall warnings ng PAGASA, sinuspinde ng Malacañang ang pasok para sa Martes, Agosto 18, sa mga opisina ng ahensya ng gobyerno sa Kalakhang Maynila at sa mga probinsya ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, at Occidental Mindoro.

“Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas,” dagdag nito.

Sinabi rin ng Presidential Communications Office (P.C.O.) sa kanilang Facebook post na ang mga ahensyang kabilang sa ‘paghahatid ng pangunahing serbisyong pang-kalusugan, paghahanda at pagtugon para sa kalamidad, at iba pang mga mahahalagang serbisyo’ ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.

Para naman sa mga pribadong sektor, ang desisyon kung isususpinde ang pasok ay nakasalalay na sa desisyon ng pamunuan.

Leave a Reply

Discover more from The Marynette

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading