The International Criminal Court (I.C.C.) has given prosecutors permission to use a previously recorded statement from a witness in the murder and crimes against humanity trial of Former President Rodrigo Roa Duterte (F.P.R.R.D.). In a ruling released on Oct. 2, Trial Chamber III agreed to the prosecution’s request to submit the written testimony of a…
ICYMI: 2 estudyante patay, 9 sugatan sa pamamaril ng kapwa mag-aaral sa Ateneo de Zamboanga
Ni Keith Candice Diño, Sophia Nicole Pancho
Dalawang estudyante ang nasawi at siyam ang nasugatan sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) Junior High School noong Martes ng umaga, Agosto 18, sa Zamboanga City.
Itinuturong suspek sa nasabing insidente ang isang Grade 9 student na anak ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Customs sa Region 9.
Ayon sa isang panayam sa telepono ng mga mamamahayag, sinabi ni Maj. Shellamie Chang, pinuno ng Public Information Office (P.I.O.) ng Police Regional Office 9, natanggap ng kanilang tanggapan ang mga balita tungkol sa pamamaril noong ika-7:50 ng umaga at agad namang pinuntahan ng mga pulis ang paaralan upang respondehan ang insidente.
Pahayag pa ng mga awtoridad, dala ng suspek ang isang baril na pistola at isang riple at nagsimulang magpaputok sa bawat silid-aralan nang walang malinaw na dahilan kung bakit niya ito ginawa.
Ang impormasyong ito ay kinumpirma ng Zamboanga City Mayor, Khymer Adan Olaso sa DZBB radio.
Ayon sa kaniya, ang suspek ay nakapasok sa paaralan nang may dalang Glock 9-millimeter assault rifle (M16) at .40-caliber pistol.
“Based on the video, which police are still investigating, it appeared that he first attacked a teacher who was seated at a table. It seemed that he did not hit the teacher,” sabi ni G. Olaso.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, matapos mabigo ang tangkang pag-atake sa guro, binaril niya ang isang estudyante sa ikaapat na palapag ng gusali bago umakyat sa susunod na palapag at kinitil ang sariling buhay.
“Pumasok siya at nagsimulang magpaputok nang walang pinipili, tinamaan ang isang estudyante sa Grade 10 sa ika-apat na palapag, pagkatapos ay tumungo sa ikalimang palapag, tumalon mula sa nasabing gusali, at nagpakamatay,” aniya.
Ayon sa Bureau of Investigation, maliban sa mag-aaral sa Baitang 9 na suspek, dalawang mag-aaral at dalawang guwardiya ang tinutukoy na nasawi, habang siyam ang nadamay bilang sugatan sa pamamaril. Ngunit hindi pa nilalabas ang mga tunay na pagkakakilanlan ng mga biktima sa naganap na insidente.
Iniulat din na nakitang nagli-livestream sa kaniyang sariling Facebook account ang suspek habang nagaganap ang insidente gamit ang isang body-worn camera.
“Ipinakita niya ito sa Facebook Live simula noong umaakyat pa lamang siya sa hagdanan, ngunit pira-piraso lamang ang mga ito,” pahayag ni Sec. Remulla.
Ilang oras matapos ang pamamaril, sinabi ng pulisya na kontrolado na ang sitwasyon. Hiniling nila sa mga magulang at guardian ng mga estudyante na manatiling kalmado at sundin ang mga payo at kaayusan ng paaralan para sa pagsundo sa kanilang mga anak.
Sinuspinde ng AdZU ang mga klase sa lahat ng antas para sa araw ng Martes at Miyerkules.
Sa isang pahayag, ibinahagi ni Philippine National Police (P.N.P.) Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang kinauukulang yunit ng P.N.P. sa mga awtoridad ng paaralan at iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan at maayos na paggalaw ng mga estudyante, guro, at kawani
ng paaralan.
Tiniyak ni G. Nartatez sa publiko na ang “safety and well-being of the school community remain a priority. We thank the school administration, parents, guardians, and the community for their patience, cooperation, and understanding as authorities continue to manage the situation.”
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso, habang inatasan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya na suriin ang insidente.
Pinagmulan ng armas
Ayon sa isang mataas na opisyal ng customs, ang ginamit na .40-caliber pistol na ipinagkaloob ng Bureau of Customs sa ama ng estudyante—isang opisyal ng customs na inalis na sa kaniyang puwesto.
Ang ikalawang armas na narekober sa pinangyarihan ng insidente ay isang lisensyadong personal na baril na pag-aari din ng ama ng suspek.
Posibleng motibo
“Isa sa mga titingnan sa aming imbestigasyon ay kung paano nakapasok ang mga sandatang ito sa loob ng paaralan,” pahayag ng isang tagapagsalita ng pulisya.
Batay sa mga sumunod na ulat, natagpuan ng mga pulis ang bag ng namaril na naglalaman ng ammunition magazine. Pinaniniwalaan ng mga imbestigador na ito ang ginamit upang maipasok ang mga baril.
“Tuloy pa rin ang imbestigasyon… Sinisikap pa rin naming alamin ang motibo,” dagdag nito.
Ayon sa malalapit na kaibigan at mga kamag-anak ng suspek, kilala ang suspek bilang “palakaibigan at magalang”. Sinabi rin nila na mahirap paniwalaan ang mga pahayag na may dala siyang armas.
Ngunit ayon sa mga estudyante, maaaring dinala ng suspek sa pamantasan ang mga baril at ginamit ang mga ito sa pag-atake.
Ayon kay G. Olaso, pagkatapos suriin ang gaming at chat history ng suspek, kanilang natuklasan na ang bata ay isang Roblox fanatic.
“The shooter, however young and troubled he may have been, is himself a victim of what I believe are video games inhabited by actors who induce terror, influencing young and fallible minds,” aniya ni Remulla.
Patuloy na nananatili ang mga pulis at imbestigador sa pagtukoy ng mga motibo at pagsusuri ng mga posibleng pinag-ugatan ng mga hindi inaasahang pangyayaring insidente sa naturang paaralan upang matukoy kung may pagkukulang sa seguridad.
