Through cultural costumes, flag-making, and a dance presentation, St. Mary’s College of Baliuag, Inc. opened its United Nations (U.N.) week-long celebration at the school quadrangle this Monday, Oct. 19, bringing together kindergarten to Senior High School (S.H.S) students to display cultural diversity and to promote unity.
Pilipinas, Estados Unidos, matagumpay na inilunsad ika-16 na MCA
Photo via ABS-CBN News
Matagumpay na inilunsad ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Hukbong Pandagat ng Estados Unidos ang ika-16 na bilateral Maritime Cooperative Activity (M.C.A.) sa Eksklusibong Sonang Ekonomiko ng Pilipinas noong Miyerkules, Okt. 14.
Kabilang sa mga nakilahok na yunit sa aktibidad ay ang isang AW159 Wildcat helicopter at C208 Caravan mula sa Hukbong Panghipapawid ng Pilipinas, ang Teresa Magbanua-class patrol vessel BRP Melchora Aquino (MRRV 9702) mula sa Tanod Baybayin ng Pilipinas, ang Miguel Malvar-class guided missile frigate BRP Miguel Malvar (FFG 06) mula sa Hukbong Pandagat ng Pilipinas, at ang Avenger-class mine countermeasures ship USS Warrior (MCM 10) mula sa Estados Unidos.
Inihayag ni Lieutenant Commander Bryan Magura, Executive Officer ng BRP Miguel Malvar, na ang sentro ng pinakahuling M.C.A. ay ang interoperability ng dalawang bansa, lalo na sa mga aspekto ng komunikasyon, koordinasyon, at pagsasagawa ng mga joint operation.
Aniya, nagsimula ang pagsasanay sa isang harbor phase noong Sabado’t Linggo para sa mga subject matter expert exchanges na nakatuon sa pagpapatupad ng mga batas pandagat at maritime domain awareness (M.D.A.), bago ito tuluyang gumulong sa sea phase, para sa serye ng mga ensayo ng komunikasyon, M.D.A. at maneuvering.
Idinagdag din ni Magura na pagkakataon ang bawat M.C.A. upang repasuhin at pinuhin ang kanilang mga umiiral na pamaraan at doktrina ng miltar.
“Every time na mag-conduct kami ng MCA, we improve kung ano ‘yung mga existing procedures na meron kami, ‘yung doctrines namin. We continually improve every time na mag-conduct kami ng M.C.A.”
Ayon pa sa opisyal, ang mga pagbabagong ito ay hindi lamang nakatutok sa mga shipboard operation kundi pati na rin sa mga command-and-control procedures ng kanilang pangkalahatang himpilan.
Panig ng Estados Unidos
Sa kanilang inilabas na pahayag, sinigurado naman ng U.S. 7th Fleet Public Affairs na ang lahat ng M.C.A. ay isinasagawa sa isang maayos at ligtas na paraan, kung saan pinaninidigan ng Estados Unidos ang karapatan ng kalayaan sa makatwirang paggamit sa dagat at pandaigdigang espasyo sa himpapawid sa ilalim ng mga pandaigdigang batas.
“M.C.A.s are conducted in a manner consistent with international law and with due regard to the safety, navigational rights, and freedoms of all nations.”
Dagdag ng tanggapan, patuloy na ipinapakita ng aktibidad ang kanilang “demonstrated, collective commitment to strengthening regional and international cooperation in support of a free and open Indo-Pacific.”
