By Edilina Keithleen Barroga, Keith Candice Diño Marking the beginning of a month-long devotion, a program was held at the school quadrangle during the morning ceremony to officially launch the Month of the Holy Rosary. To start, the program began with a doxology led by the Salindayog Cultural Dance Troupe, setting a reverent tone for…
Tax exempt sa P350,000 taunang kita, inaprubahan ng house panel
Mga litrato mula sa Inquirer.net sa Google
Sinang-ayunan na ng House of Representatives ang pagtaas ng hangganan ng tax exemption sa P350,000 at nakatakda nang sumailalim sa susunod na bahagi ng lehislatibong proseso.
Kasunod ito nang pag-apruba noong Lunes ng House Committee on Ways and Means ang panukalang itaas ang taunang income tax exemption sa P350,000 mula P250,000, sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Section 24 ng National Internal Revenue Code na naglalaman ng partikular na detalye sa imposed income tax sa mga residente.
Alinsunod dito, inaprubahan din ng komite ang panukalang alisin ang dalawang porsyentong Minimum Corporate Income Tax (M.C.I.T.) na nakapaloob sa House Bill 10346, para sa mga microenterprise bilang bahagi ng mas malawak na reporma sa buwis na layong makatulong sa mga indibidwal na nagbabayad ng buwis at may maliliit na negosyo.
Ang panukalang ito ay bahagi rin ng pronouncement ni President Ferdinand R. Marcos Jr. noong State of the Nation Address (SONA)—na ginanap noong Hulyo 27, ukol sa pagbibigay ng tax relief sa middle class, dahil sa lumalaganap na isyung maraming binabayarang buwis at kaunti ang take-home pay.
Ayon kay Marikina 2nd District Representative and Ways and Means Committee Chairperson Miro Quimbo, ang panukala ay parte ng komite upang “i-recalibrate” ang tax system, para mabigyan ng relief ang mga taxpayers, habang sinisigurado na mayroong sapat na funds ang gobyerno.
“We want our tax system to keep pace with the realities faced by Filipino families and workers. If incomes have not kept up with the rising cost of living, then we have to make sure that taxation does not further erode their purchasing power (Gusto naming nakasabay ang tax system sa realidad na hinaharap ng mga Pilipinong pamilya at trabahador. Kung ang kita ay hindi akma sa pagtaas ng cost of living, kailangan nating siguraduhin na hindi napapahirapan lalo ng buwis ang kanilang purchasing power),” ani niya.
Ayon kay G. Quimbo, makatutulong din ang panukalang MCIT upang mapalago nila ang mga negosyo at mapanatili ang mga trabaho ng mga residente.
Sinabi rin ni G. Quimbo na maaaring pagsamahin ng komite ang mga panukalang nagbibigay ng kaluwagan sa buwis sa iisang “tax reform package.”
Binigyang-diin niya na dapat mapunan ang posibleng mabawas na kita ng pamahalaan upang magpatuloy ang pagpopondo sa mga serbisyo publiko.
“We are looking at the entire tax system as a whole. We want to deliver real relief to taxpayers, but we also have a responsibility to make sure that the government can continue to fund public services. That means balancing tax relief with responsible and sustainable revenue measures (Tinitignan natin ang sistema ng buwis bilang isang buo. Gusto namin magbigay ng totoong ginhawa sa mga taxpayers, pero may responsibilidad din kami na siguraduhing maipagpapatuloy ng gobyerno na paglaanan ng pondo ang mga public services. Ibig sabihin nito ay pagbabalanse ng tax relief kaakibat ang responsable at pangmatagalang revenue measures),” pahayag ni G. Quimbo.
