By Edilina Keithleen Barroga, Keith Candice Diño Marking the beginning of a month-long devotion, a program was held at the school quadrangle during the morning ceremony to officially launch the Month of the Holy Rosary. To start, the program began with a doxology led by the Salindayog Cultural Dance Troupe, setting a reverent tone for…
DBM: Aabot sa P21.479T ang Utang ng PH sa 2027
Pagsapit ng katapusan ng 2027, ang pamahalaan ng Pilipinas ay magkakaroon ng utang na humigit-kumulang ₱21.479 trilyon, ayon sa ulat ng Department of Budget and Management (D.B.M.).
Ang pagtaas ay iniugnay sa pamamahala ng pamahalaan sa pananalapi at sa mga panlabas na salik pang-ekonomiya, kabilang ang mga hamon sa pagpapalakas ng piso ng Pilipinas.
Inaasahang hihigit ang utang na ito sa mga nakaraang obligasyon ng pamahalaan, at malalagpasan pa ang mga pagtatantya para sa taong 2026. Binanggit ng mga opisyal na ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas na ito ay ang pabago-bagong halaga ng palitan ng salapi.
“Marami sa ating mga utang ang kinuha noong panahon ng pandemya. Noon, ang palitan ng piso sa dolyar ay nasa humigit-kumulang P49.6 lamang, ngunit ngayon ay nasa 60 na. Dahil dito, masasabing humina ang halaga ng piso nang halos 20%. Nagresulta ito sa mas mataas na gastusin para sa atin,” pahayag ni D.B.M. Assistant Secretary Romeo Matthew T. Balanquit sa mga mamamahayag.
“Ang ating mga lumang utang ay nakuha sa mas mababang interes. Ngayon, dumating na ang panahon ng pagbabayad sa mga ito, kaya kailangan nating kumuha ng mga bagong utang upang bayaran ang mga luma. Ang mas masama pa, ang mga bagong utang na ito ay may mas mataas na interes,” dagdag niya.
Dahil nangutang ang pamahalaan ng Pilipinas sa ibang mga bansa, naging mas mahirap ang pagbabayad nito habang nagbabago ang halaga ng piso laban sa mga dayuhang salapi. Bunga nito, patuloy na nagiging hamon ang lumalaking pasanin sa utang ng bansa, lalo na sa pamamahala ng mga pagbabayad para sa mga utang na nakabase sa dayuhang salapi.
Humihina ang piso, kaya nagiging mas mahal ang ilang utang mula sa ibang bansa kapag kinonvert ang mga ito sa piso.
Ayon sa mga opisyal ng gobyerno, marami sa mga utang na ito ang nakuha noong panahon ng pandemya, kung kailan mas mababa ang palitan ng pera. Ngayong humina na ang halaga ng piso, mas malaki na ang kailangang gastusin upang mabayaran ang mga obligasyong ito.
Isa pang alalahanin ay ang hindi pa lubos na pagpapalakas ng posisyon sa pananalapi ng gobyerno. Nangangahulugan ito na hindi nito nabawasan ang mga kakulangan sa badyet nito nang mabilis gaya ng inaasahan o napamahalaan ang pananalapi nito nang mahusay hangga’t maaari.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang gobyerno sa paghiram ng pondo upang suportahan ang mga pangunahing proyekto, tulad ng pagpapaunlad ng imprastraktura, na nangangailangan ng malaking pamumuhunan at tumatagal ng mga taon upang makumpleto at makabuo ng kita.
Sinabi naman ni John Paolo Rivera, isang ekonomista, na nananatiling mataas ang pasanin sa utang, at malaking bahagi ng mga yaman ng pamahalaan ang nakalaan na sa pagbabayad ng interes bago pa man mapondohan ang mga bagong programa. Hindi lamang ang laki ng utang ang ikinababahala, kundi pati na rin ang lumalaking gastos sa pagpapanatili nito.
Kaduktong nito, ibinahagi niya na hindi ito maituturing na masamang utang dahil nagagamit ang pondong ito sa mga produktibong bagay at pangmatagalang pamumuhunan, tulad ng imprastraktura.
“Hindi tayo nangungutang para sa tulong pinansyal. Nangungutang tayo para sa mga program loan, project loan, at official development assistance. Pangunahing nakalaan ang mga ito para sa mga proyektong imprastraktura, dagdag pa niya.
