The International Criminal Court (I.C.C.) has given prosecutors permission to use a previously recorded statement from a witness in the murder and crimes against humanity trial of Former President Rodrigo Roa Duterte (F.P.R.R.D.). In a ruling released on Oct. 2, Trial Chamber III agreed to the prosecution’s request to submit the written testimony of a…
Matinding Pagyanig sa Colombia: Rescue at Relief Operations, Pinaigting
By Chloe Villafuerte
Litrato mula sa NBC News
Isang malakas na magnitude 7.4 na lindol ang tumama sa kanlurang bahagi ng Colombia noong Lunes, Agosto 10. Nagdulot ito ng malaking pinsala sa ilang gusali at imprastraktura, at marami rin ang naapektuhan sa komunidad.
Ayon sa mga ulat, ang lindol ay naganap bandang 7:34 a.m.. Naiulat na ang epicenter nito ay malapit sa San José del Palmar sa Chocó Department.
Sa unang ulat, hindi bababa sa 111 katao ang nasawi, habang 87 ang nasugatan. Gayunpaman, patuloy pang tumataas ang bilang ng mga naapektuhan ng lindol, habang patuloy rin ang mga operasyon sa paghahanap, pagliligtas, at pagtataya ng pinsala.
Naging mahirap din ang agarang pagkuha ng impormasyon mula sa ilang lugar malapit sa epicenter dahil naapektuhan ng lubusan ang kanilang cellphone signal na nagsisilbing source of communication. Dahil dito, naantala ang pag-uulat ng pinsala at bilang ng mga biktima mula sa ilang malalayong lugar.
Malakas na naramdaman ang pagyanig sa iba’t ibang lungsod, kabilang ang San José del Palmar, Quibdó, Pereira, Armenia, Manizales, at Bogotá.
Ilang gusali, ospital, kalsada, at iba pang imprastraktura ang napinsala dahil sa malakas na pagyanig. May ilang lugar ding nakaranas ng pagkaantala sa mga serbisyo habang sinusuri pa ng mga awtoridad ang lawak ng pinsala.
Agad na rumesponde ang mga rescue team upang maghanap ng mga biktima at tumulong sa mga naapektuhan ng lindol. Nakipagtulungan ang mga emergency workers, volunteers, at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Nagkaroon din ng pagkaantala sa transportasyon at iba pang serbisyo sa ilang lugar. Nagsagawa rin ang mga awtoridad ng mga hakbang pangkaligtasan para sa mga residente.
Hinimok ng mga awtoridad ang publiko na manatiling kalmado at sumunod sa mga safety instructions.
Ang bagong Pangulo ng Colombia na si Abelardo De La Espriella ay nanguna sa pagtugon ng pamahalaan sa sakuna. Nagdeklara ang kaniyang administrasyon ng national state of emergency upang mapabilis ang paglalaan ng resources at koordinasyon ng mga ahensya.
Patuloy ang search-and-rescue at damage assessment operations habang tinutukoy ng mga awtoridad ang kabuuang epekto ng lindol. Samantala, nagtutulungan ang pamahalaan at mga komunidad upang matulungan ang mga naapektuhan at makapagsimula sa muling pagbangon.
