The Provincial Management Committee of the Department of Education (DepEd) Bulacan Cluster visited Baliwag City three days ago for a meeting focused on important matters concerning the continued development of the education sector. The visit served as an opportunity for members of the management committee to convene in the city and discuss various concerns, priorities,…
Araújo, Nakatakdan Magsimula ng Bagong Kabanata sa Liverpool
Opisyal nang nakumpleto ng Liverpool ang pagkuha sa defender ng Barcelona na si Ronald Araújo sa pamamagitan ng isang season-long loan deal. Kasama sa kasunduan ang option na bilhin siya sa halagang €55 milyon.
Nagdesisyon ang Liverpool na kunin si Araújo upang palakasin ang kanilang depensa para sa paparating na season. Siya na ang kanilang ikatlong signing ngayong summer, kasunod nina centre-back Jérémy Jacquet at forward Víctor Muñoz. Umabot naman sa higit €100 milyon ang kabuuang ginastos ng club para sa tatlong manlalaro.
Mananatili si Araújo sa Liverpool hanggang Hunyo 30, 2027. Kinumpirma rin ng Liverpool na sila ang sasagot sa 100% ng kaniyang sahod, habang pumayag naman si Araújo na bawasan ang kaniyang sahod upang matuloy ang paglipat.
Sa isang pahayag sa Liverpool Media, sinabi ni Araújo na ang paglipat sa Liverpool ang tamang desisyon para sa kanya sa puntong ito ng kanyang career.
“Sa tingin ko, ito ang ideal na hakbang para sa akin sa puntong ito ng aking career. Sa tingin ko, kailangan kong gawin ang hakbang na ito. Nang malaman ko ang interes ng Liverpool, napakabilis na umaksyon ang lahat,” giit niya.
Ang paglipat na ito ay nagbibigay kay Araújo ng panibagong simula matapos ang kaniyang panahon sa Barcelona. Ngayon, sisikapin niyang tulungan ang Liverpool na palakasin ang kanilang depensa at makapag-ambag sa koponan sa buong season.
