ICYMI: PBBM, ginunita ang Ninoy Aquino Day; hinimok mga Pilipino kilalanin ang nakaraan

Nagbigay ng pahayag ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ukol sa paggunita ng Ninoy Aquino Day, na nagmamarka ng 43rd death anniversary ng dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., isang political rival ng ama ng kasalukuyang nanunungkulan.

“Ang paggunita ng Ninoy Aquino Day ay nagbibigay pansin sa isang bahagi ng shared story ng ating bansa na patuloy na naalala ng mga henerasyon at ng publiko. Ang paglipas ng panahon ay nagbibigay-daan sa bansa na mas malinaw na tingnan ang pangyayaring ito, at dahil ito, magkaroon ng mas malalim na pananaw. Ang nakaraan ay naghihikayat ng pagninilay kaysa reaksyon, at galing sa pagninilay ay lumalaganap ang mas malinaw na pagkakaintindi sa civic duty,” ani Pangulong Marcos, Jr. sa isang pahayag.

Inilahad din ng Pangulo na kaniyang natutuhan na ang nakaraan ay mas nagbibigay ng patuloy na pagkatuto.

“Bilang isang tao na lumaki sa political tradition na nabuo sa mga pangyayaring ito, naunawaan ko na ang kasaysayan ay hindi lamang nagbibigay ng final judgment, kundi sa continuing instruction. Hinahasa nito kung paano tayo maglingkod, makinig, at paano natin aakuhin ang bigat ng isang opisina habang may mabuting layunin para sa hinaharap,” ani ng Pangulo.

Kasunod nito, binigyang-diin ng pangulo na ang kaniyang pagkaintindi sa kasaysayan ay isang paalala na “ipagpatuloy ang panunungkulan na naghahangad na magkamit ng wholeness, reconciliation, at dignity sa kabila ng pagkakaiba-iba.”

“Ang araw na ito, samakatuwid, ay nagiging paanyaya upang mamahala nang may katinuan, konsensiya, at pangmalas. Sa pagdiriwang nito, ipinapahiwatig ng Republika ang kahandaan nitong panindigan ang pamumuno na nagsusumikap para sa kabuuan at pagkakasundo,” ani Pangulong Marcos, Jr.

“Sa pamamagitan ng paggunita nito, pinapalago natin ang gawain ng pamamahala ng estado: disiplinado, matatag, at hinubog ng matibay na pangangailangang piliin ang kapayapaan higit sa pagtatalo, at dangal higit sa mga pagkakaiba,” dagdag niya.

Pagkamatay  ni Benigno “Ninoy” Aquino

G. Aquino, isa sa pinaka hindi sumasang-ayon sa pagpapatakbo ni G. Marcos Sr., ay binaril noong August 21, 1983 sa kaniyang pagbalik sa Pilipinas sa tarmac ng Manila International Airport, na makalaunan ay ipinangalan sa kaniya, at tinawag na Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang pagpaslang sa kaniya ang nagpasiklab ng sunod-sunod na mga demonstrasyon na umabot sa rurok noong EDSA People Power Revolution noong February 25, 1986, at nagdala sa kaniyang asawa na si Gng. Corazon “Cory” Aquino sa pagkapangulo.

Pagkatatag ng Ninoy Aquino Day

Ang commemoration ng Ninoy Aquino Day ay iminandato ng Republic Act No. 9492 [panukalang batas na nagbibigay-katwiran sa pagdiriwang ng national holidays sa bansa], na nilagdaan bilang batas noong 2007 ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ang death anniversary ng yumaong senador, ay itinatag bilang isang special non-working public holiday sa buong Pilipinas.

Paggunita ng pamilya, tagasuporta

Sa libingan ni G. Aquino, sa Manila Memorial Park sa Parañaque City, Metro Manila kung saan ang kaniyang asawa,  Gng. Cory at kanilang anak former President Benigno “Noynoy” Aquino III ay nakalibing din, lumutang ang kantang “Bayan Ko” ni G. Freddie Aguilar, indikasyon ng pagbibigay pugay sa yumaong senador.

Sa kaniyang puntod ay nagtipon ang kaniyang pamilya, mga kaibigan, kamaga-anak, at mga taga suporta.

Leave a Reply

Discover more from The Marynette

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading