The International Criminal Court (I.C.C.) has given prosecutors permission to use a previously recorded statement from a witness in the murder and crimes against humanity trial of Former President Rodrigo Roa Duterte (F.P.R.R.D.). In a ruling released on Oct. 2, Trial Chamber III agreed to the prosecution’s request to submit the written testimony of a…
SGA Pilipinas nagpakitang gilas laban sa Wonju, patuloy ang pag-asa sa semis
Nanaig ang Strong Group-Pilipinas matapos ang matinding sagupaan laban sa Wonju DB Promy ng South Korea, 113-87, para sa kanilang ikaapat na magkakasunod na tagumpay sa 2026 William Jones Cup sa New Taipei City noong Miyerkules.
Nagpakitang-gilas si Matthew Wright matapos magpakawala ng 24 puntos at pinangunahan ang matinding opensa ng Pilipinas mula pa lamang sa simula ng laro, habang si Tajuan Agee ay nagmarka ng 22 puntos.
Ngunit, sa kabila ng kanilang malaking lamang sa panalong nagtabla sa SGA at Wonju sa 4-1 sa Group A, bigo pa rin ang koponan ng Pilipinas na maabot ang target nitong malampasan ang kalamangan ng Korean Basketball League club na naglagay sa alanganin sa kanilang three-peat bid.
“This one really hurts. It’s rare to win a game and still feel disappointed. We were so close. We prepared well and really gave ourselves a chance to win, but the 32-point margin was just too much for us to overcome. I can’t sing enough praises for our team and the way we fought in this game. We played some really good basketball,” sabi ni Strong Group coach Charles Tiu, matapos makaganti sa 110-79 na pagkatalo sa unang laro laban sa Wonju.
Ayon sa pormat ngayong taon, tanging ang No.1 team lang sa Group A ang makakarating sa semifinals, habang ang hosts na Chinese Taipei Blue ay siguradong makararating sa isa pang pwesto sa semifinal.
Dahil dito, nasa alanganin ang Final Four bid ng SGA matapos mawala sa kanilang kontrol ang kanilang kapalaran.
Upang makapasok sa semifinals, umaasa ang koponan ng Pilipinas na matatalo ng walang panalong Japan ang Wonju DB sa Huwebes, kasabay ng kanilang sariling panalo laban sa Chinese Taipei Blue.
Samantala, umangat si Filipino-American guard Ethan Alvano bilang pangunahing sandata ng Wonju, matapos kumamada ng 37 puntos, pitong rebounds, at limang assists.
“We’ve lost one game in three years, and deep down, we know we are the best team in the tournament,” sabi ni Tiu. “We needed a miracle, and we came very close. Proud of the effort.”
Maghaharap muli ang Pilipinas at Chinese Taipei Blue bukas, Agosto 20, alas-7 ng gabi habang ang Wonju ay makakalaban ang Japan ng alas-3 ng hapon.
