The International Criminal Court (I.C.C.) has given prosecutors permission to use a previously recorded statement from a witness in the murder and crimes against humanity trial of Former President Rodrigo Roa Duterte (F.P.R.R.D.). In a ruling released on Oct. 2, Trial Chamber III agreed to the prosecution’s request to submit the written testimony of a…
Alaala Nga Ba ang Kantang Ito?
Sa bawat kanta, hindi ito pinakikinggan lamang — ito ay nararamdaman.
Isang tono ang kinakailangan upang bumalik sa isang tag-init na matagal nang lumipas, asaran ng mga magkakaibigan, ang biyahe ng pamilya na siksikan, at isang taong naging mahalagang parte ng buhay mo. Sa minsang ating binubuhay, hindi natin kailangang alalahanin ang bawat pangyayari. Sapat na marinig ang isang nota o himig upang mabuksan ang pinto ng isang memorya.
At doon mo mapagtatanto kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng musika para sa atin.
Para sa iilang kabataan, ang isang kanta ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Kasabay nito ang paggising, pag-aaral, pagko-commute, paggawa ng assignments, o simpleng pag-doomscroll sa cellphone bago matulog. Sa bawat araw na lumilipas, ang mga kantang paulit-ulit nating napakikinggan ay unti-unting nagiging higit pa sa tunog.
Nagiging mga memorya sila.
May mga kantang nagpapaalala ng unang araw sa klase. May himig na tila nakaukit sa mga alaala ng isang barkada na ni minsa’y hindi mapaghiwalay. May awiting nagpapadala ng pandamdam ng isang family reunion, isang graduation party, isang kaarawan, o isang dapithapon, hindi natin alam na magiging mahalaga pala habang lumilipas ang panahon.
At minsan, may mga kanta ring ayaw nating mapakinggan.
Hindi dahil hindi ito kaaya-aya, kundi dahil masyado itong maraming binabatid.Isang tono. Isang linya. Isang melodiya — at biglang naroon na naman ang isang alaala na matagal nating isinara.
Kakaiba ang relasyon ng tao sa musika. Maaari itong maging background lamang sa isang ordinaryong araw, ngunit maaari din itong maging katulad ng time machine na magdadala sa ating nakaraan.
Kapag naririnig natin ang isang kantang palagi nating pinatutugtog noong bata pa tayo, maaaring maalala natin ang bahay na tinitirhan natin noon, ang boses ng mga taong kasama natin, o ang mga araw na wala pa tayong iniisip na malalaking problema.
Kaya marahil ay may mga kantang tinatawag nating “nostalgic.”
Hindi dahil espesyal ang bawat nota, kundi sa bawat linya ay may parte ng buhay natin ang nakakonekta roon.
Ang isang kanta ay maaaring maging saksi sa ating paglaki. Naroon ito noong masaya tayo, naroon noong malungkot tayo at naroon din sa mga pagkakataong nakikilala na ang mga taong unti-unting nagiging tayo.
May mga kanta rin namang hindi nating tinatawag sa kanilang tunay na pamagat.
Tinatawag natin sila sa pangalan ng isang tao.
“Paborito niya ’yan!”
“Yan yung kanta noong Christmas Party eh!”
“’Yan yung pinapatugtog namin tuwing magkakasama.”
Sa ganitong mga paraan, mas nagiging personal at malapit sa puso ang musika. Ang isang kantang ordinaryo para sa ibang tao ay maaaring naging napakahalaga para sa atin.
Isang kanta para sa isang tao ay maaaring simpleng tatlong minuto ng tunog.
Para sa iba, maaari itong maging tatlong minuto ng isang buong mundo.
Kaya isa ito sa mga naging kapangyarihan ng entertainment; hindi lamang tayo nito inaaliw, tinutulungan din tayo nitong alalahanin kung sino tayo, kung sino ang nakasama natin, at kung gaano na kalayo ang ating narinig.
