By Edilina Keithleen Barroga, Keith Candice Diño Marking the beginning of a month-long devotion, a program was held at the school quadrangle during the morning ceremony to officially launch the Month of the Holy Rosary. To start, the program began with a doxology led by the Salindayog Cultural Dance Troupe, setting a reverent tone for…
ICYMI: 6 Nasawi, 16 Sugatan sa Insidente ng Karahasan sa Cotabato City
Photo via Philstar
Anim na indibidwal ang nasawi habang 16 na indibidwal ang nasugatan sa tatlong insidente ng karahasan sa Cotabato City, ilang oras lamang bago opisyal na sinimulan ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections noong Lunes, Sept. 14.
Ayon kay Captain Steffi Salanguit, ang Tagapagsalita ng Police Regional Office (P.R.O.) sa rehiyon, naganap ang insidente sa harap ng Datu Usman Mampen Elementary School sa Barangay Bagua Dos.
Iniulat rin ng punong-barangay Fahad Singh na habang isinusuri nila ng mga boluntaryong community watchmen ang mga ulat hinggil sa mga armadong indibidwal na namataan malapit sa paaralan, biglang nagpaputok ang grupong armado ng mga assault rifle.
Dagdag ni G. Singh, kabilang sa mga nasawi at nasugatan ay ang kaniyang mga kasamahan, pati na rin si Konsehal Marouf Ayunan Pasawiran.
Nauna rito, dalawang oras bago ang insidente, isang malakas na pagsabog ng granada sa Purok Amirol, Barangay Kalanganan Mother, sa parehong siyudad na siyang ikinasawi ni Zainodin Sapal Macabuat.
Sa isa pang hiwalay na insidente, nagtamo ng mga tama ng baril ang dalawang lalaking iniuugnay sa isang partidong politikal sa Cotabato City Elementary School.
Nasugatan naman ang isa sa kanilang mga kasamahan at isang pulis na naka-duty.
Ayon sa mga awtoridad, nasawi ang dalawang lalaki sa isang ospital kung saan dinala ang apat para sa paggamot.
