Epekto ng Pagkain sa Cancer, Sinayasat ng Mcgill

Isang pag-aaral ng mga mananaliksik mula sa McGill University ang nakatuklas na maaaring may kaugnayan ang pagkain at mikroorganismo sa bituka sa tinatawag na “obesity paradox” sa cancer, matapos makita sa mga daga ang ilang diet na karaniwang kaugnay ng obesity ay nakapagpabuti sa tugon ng immunotherapy.

Ang obesity paradox ay tumutukoy sa obserbasyong bagama’t nauugnay ang obesity sa mas mataas na panganib ng ilang uri ng cancer, may ilang pasyente na may mataas na body mass index (BMI) na nagpapakita ng mas mahusay na tugon sa immune checkpoint inhibitors (ICIs), isang uri ng cancer immunotherapy.

Sinuri ng mga mananaliksik ang 12 na magkakaibang diet sa mga daga upang malaman kung paano naaapektuhan ng pagkain ang tugon sa paggamot. Lumabas na ang ilang gawi sa pagkain na nauugnay sa obesity ang lumampas sa anti-tumor response ng mga daga na tumanggap ng ICIs.

Gayunman, ipinakita ng mga resulta na maaaring hindi mismong pagtaas ng timbang ang dahilan. Sa halip, nakita ang mahalagang papel ng gut microbiome, o komunidad ng mga microorganism na naninirahan sa gastrointestinal tract at maaaring maimpluwensiyahan ng mga sustansiyang nakukuha mula sa pagkain.

Partikular na natukoy ang Lactobacillus johnsonii bilang bacterial species na mas mataas sa mga daga na nagpakita ng mas mahusay na tugon sa ilang diyeta. Nang isinama ang bacterium sa isang obesogenic diet at anti-PD-1 therapy, nakitaan ang mga daga ng mas malakas na anti-tumor response.

Natuklasan din na maaaring makaapekto ang ugnayan ng gawi sa pagkain at gut microbiome sa paggawa ng microbial metabolites, na maaaring makaapekto sa aktibidad ng T cells. Mahalaga ang mga immune cell na ito sa pagkilala at paglaban sa mga tumor.

Ipinahiwatig ng mga mananaliksik na maaaring makatulong ang mga natuklasang ito sa pag-unawa kung bakit magkakaiba ang tugon ng mga pasyente sa immunotherapy. Maaari rin itong magbigay ng bagong direksiyon sa pag-aaral ng diyeta at gut microbiome bilang mga salik na nakaaapekto sa cancer treatment.

Kugnay nito, hindi pa malinaw kung aling partikular na bahagi ng diyeta ang responsable sa pagbabagong ito. Patuloy pang sinusuri ng mga siyentipiko kung paano nakikipag-ugnayan ang pagkain, gut microbiome, at immune system sa pagtugon ng katawan laban sa cancer.

Subalit, hindi nangangahulugan ang pag-aaral na kapaki-pakinabang ang obesity o na dapat tumaba upang maging mas epektibo ang cancer treatment. 

Isinagawa ang pangunahing eksperimento sa mga daga, kaya’t nangangailangan pa ng karagdagang pag-aaral sa tao upang matukoy kung naaangkop din sa mga pasyente ang mekanismong natukoy ng mga mananaliksik.

Leave a Reply

Discover more from The Marynette

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading