Eirish Emerie David's avatar

Eirish Emerie David

DiliMukadkad

May mga bagay na sapat na ang panlabas na anyo upang katakutan. Lalo na sa pusod ng isang kagubatan, kung saan matatagpuan ang mga nilalang na wari’y babala sa bawat matang makikita.

Sa kagubatan ng Thailand matatagpuan ang isang organismong may nagliliyab na mata, madilim na katawan at tila ba sungay ang korona. Subalit hindi ito isang nilalang; ito ang bulaklak na Thismia Daemona, na ngayong taon pa lamang natin matutuklasan ang pamumukadkad.

Read More