The International Criminal Court (I.C.C.) has given prosecutors permission to use a previously recorded statement from a witness in the murder and crimes against humanity trial of Former President Rodrigo Roa Duterte (F.P.R.R.D.). In a ruling released on Oct. 2, Trial Chamber III agreed to the prosecution’s request to submit the written testimony of a…
Muling Bumukas ang Langit
Photo via Steven Pearce
May mga kwentong hindi isinusulat ng tinta, kundi ng panahon. Habang abala ang mga tao sa paglikha ng mga makabagong teknolohiya, may ilan pa ring bumabalik sa nakaraan. At sa kanilang paghahanap, muli nilang natagpuan ang tila ba isang alamat na “Heaven Sword”.
Hindi ito isang espada na ginamit sa digmaan. Kundi isang puno na matagal nang nakikipagtitigan sa kalangitan at tumayong saksi sa gitna ng gubat ng Da’an River sa Taiwan.
Ayon sa mga pag-aaral, itinalaga ang puno na ito bilang pinakamataas na Taiwania cryptomerioides o Taiwan fir, isang uri ng Taiwan cypress sa Silangang Asya. Inabot ng mahigit 10 taon ang paghahanap dito na sinimulan noong 2014, sa pamamagitan ng LiDar (airborne laser scanning) satellite images, drone mapping, Global Positioning System (GPS) at field surveys.
Kaugnay nito, ipinahayag din ng “Taiwan tree seekers” na may taas na 84.1 metro ang punong ito, dahilan upang italaga bilang pinakamataas na puno sa Silangang Asya, at maihahambing ito sa isang gusaling may 25 na palapag. Iniulat din ang iba pang 961 na matatayog na puno sa Taiwan, na may rurok na 65 metro pataas.
Sa loob ng maraming taon, ang punong ito ay nagsilbing palaisipan. Dahil nakikita lang natin ang larawan nito sa lumang mga datos. Walang sinuman ang nakapagbibigay ng eksaktong lokasyon nito, kaya’t marami ang naniniwala na bumagsak na ito o nawala sa kagubatan. Ngunit sa pagbabalik nito, napatunayan na ang katotohanan ay hindi nawawala, naghihintay lamang ito na matagpuan.
Marahil hindi man ito nakasulat sa 84.1 metro na taas nito, masusukat naman dito na ang ating kinabukasan ay hindi lamang binubuo ng bagong tuklas, kundi ng mga kwentong matagal nang itinuturo ng kalawakan.
Sa mundong madalas inaalala ang hinaharap ay may mga nakatagong dahilan kung bakit nakatayo tayo hanggang ngayon.
Ang pagtuklas sa “Heaven Sword” ay hindi isang wakas ng paghahanap, kundi isang bagong kabanata. Kabanata na may kahulugan na ang ating panahon ay hindi nagsasara ng aklat, sa halip ay nagbubukas ito ng isa pang pahina.
