The International Criminal Court (I.C.C.) has given prosecutors permission to use a previously recorded statement from a witness in the murder and crimes against humanity trial of Former President Rodrigo Roa Duterte (F.P.R.R.D.). In a ruling released on Oct. 2, Trial Chamber III agreed to the prosecution’s request to submit the written testimony of a…
S.T.S. Francisco, lumakas; isa nang ganap na bagyo
Photo via PAGASA
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), lumakas at naging isang ganap na bagyo na ang Severe Tropical Storm (S.T.S.) Francisco (intl. name – Mekkhala) ngayong 5 p.m. ng Linggo, Hunyo 21.
Nakasaad sa inilabas na bulletin ng ahensya na ang bagyo ay matatagpuan 1,055 kilometro silangan ng Gitnang Luzon na may dalang hanging umaabot sa 120 kilometer per hour (kph) at bugso ng hanging umaabot sa 150 kph.
Ito ay kikilos pa-kanlurang hilagang-kanluran habang ito ay unti-unting lalakas hanggang Martes, Hunyo 23, bago ito magsisimulang humina at bumalik sa pagiging S.T.S. sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes, Hunyo 26.
Sabi ng PAGASA, hindi gaanong direktang makaaapekto ang bagyo sa kalagayan ng panahon ngayong araw, ngunit maaaring magsimula bukas, Hunyo 22, ang pagbuhos ng mga malalakas na ulan dahil sa pinaigting na Southwest Monsoon o Habagat.
“A Weather Advisory may be issued today or tomorrow in anticipation of the heavy rains over Northern Luzon and some areas in the western portions of Luzon and Visayas,” dagdag nila.
T.C.W.S. No. 1, posibleng itaas ng P.A.G.A.S.A. sa ilang lugar sa Luzon
Ayon ng ahensya, maaari silang magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal (T.C.W.S.) No. 1 sa ilang lokalidad sa hilaga at silangang bahagi ng mga probinsya ng Cagayan, Babuyan Islands, at Batanes sa umaga ng Lunes, Hunyo 22.
Magdadala rin ng ‘strong to gale-force gusts’ ang Habagat sa mga sumusunod na lugar at petsa:
- Linggo, Hunyo 21
- Siquijor,
- Camiguin,
- Ang katimugang bahagi ng Bohol,
- Timog Leyte,
- Davao Oriental,
- Davao Occidental, at
- Saragani
- Lunes, Hunyo 22
- La Union,
- Pangasinan,
- CALABARZON,
- Romblon,
- Masbate,
- Ang karamihang bahagi ng Visayas,
- Basilan,
- Sulu,
- Zamboanga Peninsula,
- Misamis Occidental,
- Lanao del Norte,
- Camiguin,
- Surigao del Norte,
- Dinagat Islands,
- Ang silangang bahagi ng Davao Occidental, at
- Ang silangang at katimugang bahagi ng Davao Oriental.
- Martes, Hunyo 23
- Ang karamihang bahagi ng Luzon,
- Visayas,
- Zamboanga Peninsula,
- Hilagang Mindanao,
- Surigao del Norte,
- Dinagat Islands,
- Davao Occidental, at
- Davao Oriental
Gayunpaman, iginiit ng PAGASA na ang mga malalakas na ulan at matinding hangin ay maaari pa ring maranasan ng mga lokalidad na nasa labas ng ‘forecast confidence cone’.
“It must be emphasized that heavy rainfall and severe winds may still be experienced in localities outside the forecast confidence cone… Furthermore, the track may still shift within the limit of the forecast confidence cone,” giit nito.
