L.P.A. sa Labas ng PAR, Lumakas, Naging Tropical Depression

Photo by PAGASA

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), lalong lumakas at naging isang Tropical Depression ang Low Pressure Area (L.P.A.) na matatagpuan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Biyernes, Hunyo 19.

Sa kanilang inilabas na bulletin bandang alas-4 ng hapon, matatagpuan ang bagyo na nasa 1,850 kilometro sa Silangan ng Silangang Visayas, na may malakas na hangin na umaabot sa 55 kilometers per hour (kph), at bugso ng hangin na umaabot sa 70kph.

Ayon sa ahensya, ito ay bahagyang bumilis habang patungong kanluran sa Philippine Sea, kanluran ng Guam.

Ito ay inaasahang lalakas pa at magiging isang Tropical Storm habang ito ay papalapit sa kanlurang bahagi ng Timog-kanlurang Luzon mula sa gabi ng Hunyo 19 hanggang sa susunod na araw, Hunyo 20.

Dagdag pa ng PAGASA, ito’y magiging Severe Tropical Storm sa gabi ng Hunyo 20 bago ito’y tuluyang pumasok sa PAR kinabukasan bilang isang ganap na bagyo na may lokal na pangalang ‘FRANCISCO’.

“The tropical depression is forecast to move generally west northwestward and will enter the Philippine Area of Responsibility (PAR) between tomorrow (20 June) evening and Sunday (21 June) morning. Once inside the PAR, the tropical cyclone will be given the domestic name FRANCISCO. A landfall scenario is less likely at this time,” aniya ng PAGASA.

Iginiit din ng PAGASA na hindi pa rin nawawala ang pagtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 (T.C.W.S.) sa hilaga at silangang bahagi ng Hilagang Luzon dahil sa posibleng paglapit ng bagyo sa lupa sa Martes, Hunyo 23, at Miyerkules, Hunyo 24 at ang mga pagbabago sa mga ulat ng mga susunod na bulletin.

“Due to its possible close proximity to land on Tuesday (23 June) and Wednesday (24 June) and the possible changes in the track forecast in the succeeding bulletins, the hoisting of Wind Signal No. 1 over the northern and eastern portions of Northern Luzon is not ruled out.”

Inaasahan din ng PAGASA na hindi gaanong direktang makaaapekto ng bagyo ang kalagayan ng panahon at dagat sa bansa sa mga susunod na tatlong araw.

Leave a Reply

Discover more from The Marynette

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading