The International Criminal Court (I.C.C.) has given prosecutors permission to use a previously recorded statement from a witness in the murder and crimes against humanity trial of Former President Rodrigo Roa Duterte (F.P.R.R.D.). In a ruling released on Oct. 2, Trial Chamber III agreed to the prosecution’s request to submit the written testimony of a…
Prosecution, pinabulaanan ang pahayag na ‘bending the law’ ni BP Sara
Litrato mula sa GMA News
Itinanggi ng House Prosecution Panel ang pahayag ni Bise Presidente (B.P.) Sara Duterte na sa impeachment ay “klaro na makikita ang bending the law.”
Noong Agosto 7, dumalo ang Bise Presidente sa isang Thanksgiving Mass para sa Kadayawan Festival ng Davao City, kung saan kaniyang ipinunto ang mga “pagbaluktot sa batas” ng impeachment.
Kinuwestiyon din ni B.P. Duterte ang naging proseso sa Kamara, gayundin ang kaayusan ng Senado kasama ang mga namumunong opisyal, habang tinatalakay ang mga ulat tungkol sa posibleng pagkaantala sa kaniyang trial.
Gayunpaman, bilang tugon, binanggit ng panel ang pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyong ipatigil ang impeachment dahil naging “moot” o wala ng saysay ang mga ito.
“Clearly, there is no reason for these impeachment proceedings not to proceed, which are now pending before the Senate sitting as an impeachment court (Klaro na walang rason para itigil ang impeachment proceedings, na ngayon ay pending bago ang Senado na umuupo bilang impeachment court),” ani prosecution spokesman Benjamin Tolosa Jr.
Bilang pagtugon sa pagbanggit ni B.P. Duterte sa “dalawang taong nakaupo sa elevated platform” sa trial, sinabi ni G. Tolosa na ang tungkulin ng mga namumunong opisyal ay nakaayon sa institusyonal na kapangyarihan ng Senado.
“Both parties agree that the presiding officer has been conducting and presiding over these proceedings in a fair, equitable manner (Parehong partido ang sang-ayon na mag conduct at mag preside ang dalawang officer na ito sa proceedings sa isang fair and pantay na paraan),” ani niya.
Ayon sa mga prosecutor, ang totoong isyung tinatalakay ngayon ng Senado ay ang ebidensya tungkol sa paggamit at pagli-liquidate ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (O.V.P.) at Department of Education (DepEd).
Samantala, sinabi ni House prosecution adviser at tagapagsalita Robert Ace Barbers na nabigyan na ng sapat na pagkakataon ang O.V.P. at DepEd sa isinagawang audit upang magsumite ng karagdagang dokumento at sagutin ang mga natuklasan.
“This is the perfect and the most opportune time for the Vice President to clear her name by showing evidence, showing documents compliant with the joint circular (Ito ang perpekto at most opportune na oras para sa Bise Presidente na linisin ang kaniyang pangalan sa pagpapakita ng ebidensiya, mga dokumento compliant sa joint circular),” wika ni G. Barbers.
Sinabi naman ni Prosecution spokesperson at Kabataan party-list Representative Renee Co na ang mabisang responde para sa B.P. laban sa mga alegasyon ay isang depensang sinusuportahan ng mga records.
“As it stands, we have no clear explanation why there were so many anomalies in the submitted audit reports for O.V.P. and DepEd confidential and intelligence fund spending (Wala kaming malinaw na paliwanag bakit ang daming anomalies sa mga isinumiteng audit reports para sa O.V.P. at DepEd confidential and intelligence fund spending),” diin ni Rep. Co.
Tinutulan din ni Rep. Co ang mga pahayag ni B.P. Duterte. Aniya, sapat nang tingnan ng B.P ang sarili nitong isyu sa paggamit ng confidential funds upang makita kung paano naipapabor sa kaniya ang “bent” na batas.
Sinabi naman ni G. Tolosa na nakababahala ang paglalarawan ng B.P. sa impeachment proceedings bilang “magulo” at “bending the law,” dahil nagdudulot umano ito ng pagdududa sa integridad ng paglilitis, na isang prosesong itinakda ng Konstitusyon.
