The International Criminal Court (I.C.C.) has given prosecutors permission to use a previously recorded statement from a witness in the murder and crimes against humanity trial of Former President Rodrigo Roa Duterte (F.P.R.R.D.). In a ruling released on Oct. 2, Trial Chamber III agreed to the prosecution’s request to submit the written testimony of a…
Mga Dugong: Nawawala
Larawan mula kay Daniel Selmeczi
Natuklasan noong Hunyo 21 na ang mga natitirang dugong sa Palawan ay unti-unting nawawala.
Ayon sa Palawan News, isa sa mga pinakamalaking problema ay ang kakulangan ng mga seagrass beds, ang kanilang pangunahing pagkain, na nasisira dahil sa mga malalakas na bagyo dulot ng pagbabago ng klima.
Nagiging problema rin ang kanilang mabagal na reproduksyon, kung saan kailangan nila ng tatlo hanggang limang taon upang makapanganak, kaya hindi nila kayang magparami sa kaunting panahon.
Kasama rin sa mga problema ang gawain ng mga tao tulad ng pangingisda, kung saan nahuhuli sila ng mga lambat.
Naapektuhan din sila ng paggamit ng dinamita at ang pagbangga ng mga barko sa kanila sa dagat, na nagdudulot sa kanilang pag-unti.
Masaklap ang sitwasyon na ito dahil sila ay nagsisilbing hardinero sa mga seagrass beds na pumipigil sa kanilang labis na paglaki at nagpapanatili sa kalusugan ng seagrass na nakatutulong sa paglaban sa pagbabago ng klima.
Nagiging indikasyon din sila sa kalidad ng tubig sa isang lugar sapagkat kailangan nila ng malinis na katubigan upang manatili at umunlad.
Upang matugunan ito, nagsagawa ng Marine Protected Area (MPA) sa Malcampo, Roxas at tuluyan silang naproprotektahan sa pagsisikap ng pamayanan at mga barangay opisyal, dahil hindi sumasapat ang tulong ng gobyerno. Nagtaguyod din sila ng mga fishing zones upang maiwasan ang mga mapanirang pamamaraan ng pangingisda sa mga katubigan.
