The International Criminal Court (I.C.C.) has given prosecutors permission to use a previously recorded statement from a witness in the murder and crimes against humanity trial of Former President Rodrigo Roa Duterte (F.P.R.R.D.). In a ruling released on Oct. 2, Trial Chamber III agreed to the prosecution’s request to submit the written testimony of a…
Lason Sa Tiwala; Nasalanta sa Bunga
Ang Habagat o Southwest Monsoon ay isang napapanahong sistema ng hangin mula sa timog-kanluran na siyang nagdadala ng mainit at mamasa-masang hangin na nagdudulot ng malakas na ulan. Sa kasalukuyan, nagdudulot ito ng malakas at matagalang pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.
Nasalanta sa Bahay; Hirap sa Buhay
Ang matindi at patuloy na pag-ulan ay nagdulot ng pagbaha sa mga lugar na apektado ng bagyo. Kabilang na rito ang ilang namatay mula sa lalawigan ng Benguet, Rizal, at Batangas dahil sa landslides at pagkalunod na dulot ng baha.
Makikita nating muli ang epekto na una’y nagmula sa mga proyekto ng gobyerno na kung saan ito ay tinatawag na flood control projects ng DPWH. Ngunit sa dami ng isyung hinaharap ng ating bansa, tila ba naging bula na lamang ang pangakong kanilang inihandog sa mga mamamayan.
Dahil sa dulot ng Hanging Habagat, kanselado ang pasok ng mga estudyante, at maraming mga mamamayan ang naabala sa kanilang mga trabaho. Kabilang na rito ang mga binahang lugar; patunay na rito ang napapanahong usapan sa social media ukol sa mga flood control projects ng DPWH.
Nasa mukha mismo ng mga tao ang tiwala nila sa gobyerno. Ngunit kung ito ang sisira sa ating kinabukasan, nasaan ang serbisyong makatarungan na kanilang ipinangako? Marahil sila’y nakaupo, ngunit dahil sa patuloy na sistema ng gobyerno, napwersa ang kabataang tumayo sa sarili nilang mga paa at hanapin muli ang sinag ng pag-asa.
Pag-asa sa Bansa, Sino ang Aasahan?
Sa patuloy na pag-ulan, nagkakapitbisig ang bawat mamamayan sa pagtulong sa mga evacuation centers para sa mga nasalanta ng bagyo at matinding pagbaha. Isa na rito ang SM Supermalls na nagpahayag sa social media na bukas ang kanilang malls para gawing evacuation center sa mga Baliwageño.
Ang sakunang ito ay nagbibigay kulay sa pagkakaisa ng bawat Pilipino. Naipakikita ang kabaitan at kababaang loob ng kapwa natin sa isa’t isa. Ang patuloy na malasakit ang siyang susi sa pagmulat natin mula sa hinaharap.
Paglaban sa Gitna ng Sakuna; Hindi ka Nag-iisa
Sa kabila ng mga sakuna na hinaharap ng bansa, patuloy pa rin ang paglaban ng mga Pilipino sa buhay, ang kanilang madalas na dahilan ay “para sa pamilya.”
Walang sinuman ang makapipigil sa taong may pangarap. At tulad ng pagmamahal ng Diyos, sa hirap at ginahawa, patuloy siyang gumagabay at nagbibigay ng himala at biyaya sa mga taong nananalig sa kaniya.
Ang mga sakuna ay hindi sapat upang mabuwag ang ating pag-asa sapagkat nariyan pa rin ang gumagabay sa ating paroroonan, baha man ang daan, may bangkang maglalayag upang ika’y gabayan.
Mapagmalasakit ang Maykapal, tiwala at pananampalataya ang magbubunga sa pagkakaisa
Ang kinabukasan ay nasa palad ng mamamayan.
