The International Criminal Court (I.C.C.) has given prosecutors permission to use a previously recorded statement from a witness in the murder and crimes against humanity trial of Former President Rodrigo Roa Duterte (F.P.R.R.D.). In a ruling released on Oct. 2, Trial Chamber III agreed to the prosecution’s request to submit the written testimony of a…
Tulfo, iginiit na magpapatuloy sa tungkulin sina Marcoleta, Estrada
Ipinahayag ni Senator Erwin Tulfo na maaari pa ring maging miyembro ng komite at maghain ng mga panukalang batas ang detained senators Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta, ngunit hindi pahihintulutang bumoto sa mga plenary sessions.
Bilang tugon sa mga naunang pahayag ni Sen. Imee Marcos tungkol sa mga committee assignment ng mga nakakulong na senador, binigyang-diin ni Sen. Tulfo na nananatiling halal na opisyal sina Sen. Estrada at Sen. Marcoleta, at itinuturing na inosente hanggang hindi napapatunayang guilty.
“Kung tatanungin mo ako, senador pa rin sila, tama? Hindi pa sila nahahatulan, kaya para sa akin, inosente pa rin sila hangga’t hindi napapatunayang nagkasala,” ani Sen. Tulfo sa GMA News, at idinagdag na susuriin din ng Senado ang mga patakaran nito upang matiyak ang pagsunod sa mga ito.
Ipinunto ni Sen. Tulfo na may naunang kaso si dating senador Leila de Lima, na nagpatuloy sa kaniyang tungkulin bilang mambabatas at nanatiling miyembro ng mga komite kahit nakakulong.
Dahil dito, sinabi niya na dapat pareho lamang ang trato kina Sen. Estrada at Sen. Marcoleta.
Bago ang pahayag ukol dito, hinikayat ni Sen. Marcoleta ang kaniyang mga kasamahan na humanap ng paraan upang makalahok sila ni Sen. Estrada sa mga gawaing pambatas at impeachment proceedings.
Sa kasalukuyan, 26 sa 41 na komite ng Senado ang hindi pa kumpleto ang mga miyembro, at karamihan sa mga bakanteng posisyon ay inaasahang mapupunan ng mga senador mula sa minorya.
Tutol sa pagpapanitili kay Bonoan bilang akusado
Naghain si Sen. Estrada ng pagtutol sa mosyon ng prosekusyon na muling isaalang-alang ang desisyon ng Sandiganbayan na panatilihing akusado si dating public works secretary Manuel Bonoan sa graft case na may kinalaman sa kickback scheme ng mga flood control projects.
Iginiit ni Sen. Estrada na kapag inalis si Bonoan bilang kapwa akusado, mababago ang kaso at magiging mas mahirap para sa kanya ang dumepensa.
Sinabi niya na malaking pagbabago ito dahil nakabatay ang kaniyang depensa sa paniniwalang walang sabwatan sa pagitan nila ni Bonoan.
“Bukod sa paglabag sa karapatan ng akusado sa due process, ang anumang malaking pagbabago sa impormasyon ay magpapahirap sa akusado na maghanda para sa kanyang depensa,” saad ni Sen. Estrada.
