Almgren, Nasungkit ang Bagong Championship Record

Nasungkit ni Sweden’s Andreas Almgren ang gintong medalya sa men’s 10,000-meter final ng 2026 European Athletics Championships na ginanap sa Alexander Stadium, Birmingham, England, matapos magtala ng 27:23.44, isang bagong championship record.


Sa simula ay nanatiling dikit ang mga mananakbo, ngunit unti-unting nilagpasan ni Almgren ang mga kalaban at dominahin ang karera hanggang sa finish line.


Samantala, sinundan naman ito ni Dominic Lokinyomo Lobalu ng Switzerland sa oras na 27:42.67, habang nakuha naman ni Jimmy Gressier ng France ang bronze medal matapos tumakbo ng 28:07.90.


Ang oras ni Almgren ay higit na mabilis kaysa sa dating championship record at naging isa sa mga pangunahing highlight ng kompetisyon. Ipinakita ng Swedish runner ang kaniyang bilis, tiyaga, determinasyon, at mahusay na pacing sa buong karera.


Dahil sa kaniyang dominanteng performance, nagdagdag si Almgren ng panibagong malaking tagumpay sa kaniyang yugto sa pagiging mananakbo at nagbigay ng kapansin-pansing pagtatanghal sa European Athletics Championships ngayong 2026.

Leave a Reply

Discover more from The Marynette

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading