Misteryosong Koral, Natagpuan sa Costa Rica

Larawan mula sa SciTech Daily

Sa ilalim ng Karagatang Pasipiko sa tabi ng bansang Costa Rica, mga 360-529 metro na lalim, may mga kolonya ng mga dilaw na koral na natagpuan gamit ang isang Remotely Operated Vehicle o ROV na SuBastian.

Ang mga koral ay lubhang kakaiba sa mga kilalang mga kamag-anak nito dahil sa iba nitong anatomiya at henetiko na binigyan nito ng mga siyentipiko na bagong pamilya na “Laurinqueidae” at genus nito na “Larinque”.

Ang “Larinque” ay nanggaling sa salitang Quenya na ibig sabihin ay “gintong puno.” Ang Quenya ay isang wikang Elvish na nagmula sa Lord of the Rings ni J.R.R Tolkien dahil sa gintong kulay nito ay parang puno ang estruktura.

Ang pangalan ng uri, elenya, ay ibig sabihin ay “ng bituin” na mula rin sa Quenya, kaya ang pangalan nito ay Larinque elenya na sa kabuuan ay “gintong puno ng bituin”.

Ang mga mananaliksik ay nahirapang ilagay ito sa puno ng ebolusyon dahil sa mga heno nito na nagbigay ng mga magkakasalungat na resulta.Dahil dito, gumamit sila ng phylogenomics na isang paraan ng paggamit ng buong genome o malaking parte ng DNA at RNA upang malaman kung paano nagbabago at nag-iba ang isang uri ng hayop at malaman kung saan ito sa puno ng ebolusyon.

Ang pinakamalapit na kamag-anak nito, na Eunicillidae ay kakaiba sa Larenquidae kaya ito talaga ay ibang pamilya Laurinqueidae at genus (Larinque).Noong 2023, sinabi ni Dr. Oscilla Breedy ng Universidad de Costa Rica na nangongolekta pa sila ng mga bagong sample galing sa mga molekular na analysis na ginawa ng mga kasamahan niya sa trabaho na sila Cathy McFadden, Catalina Murillo, at Andrea Quattrini ay nahanap nila ang klasipikasyong taksonomikong uri na ito.

Leave a Reply

Discover more from The Marynette

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading