The International Criminal Court (I.C.C.) has given prosecutors permission to use a previously recorded statement from a witness in the murder and crimes against humanity trial of Former President Rodrigo Roa Duterte (F.P.R.R.D.). In a ruling released on Oct. 2, Trial Chamber III agreed to the prosecution’s request to submit the written testimony of a…
Munting Dalisay
Larawan mula kay Earth100
Isang karaniwang gulay mula sa ating mga bakuran ay ngayong binigyang pansin ng mga madla.
Mula sa pananaliksik ni Dr. Rajani Srinivasan at ng kaniyang mga kasamahan, natuklasan na may labis na kapangyarihan itong tanggalin ang mga mikroplastik sa ating mga tubig.
Lubos ang tulong na maibibigay nito bilang isang mura, ligtas at natural na paraan upang matanggal ang mikroplastik, kumpara sa mga ibang proseso tulad ng synthetic water treatment na gumagamit ng kemikal, na maaaring magdulot ng kontaminasyon sa tubig na iniinom ng mga tao.
Dahil dito, marami ang natuwa noong natuklasan ito, dahil maiiwasan na ang problema ng mikroplastik, ang posibilidad na maipon ang mga ito sa loob ng katawan ng isang tao at masira ang kaniyang mga cells at tissue ng unti-unti, at nagdudulot din ito ng mga hormone disruptions at cardiovascular risks na nakaaapekto sa kalidad ng buhay ng isang tao.
Bukod dito, mayroong pa na mga malulubhang epekto ito sa ating kalikasan katulad ng pagtulong sa pagkalat ng mga masasamang kemikal na nakapapatay sa mga hayop, paglason sa mga tubig at lupa, at ang kontribusyon nito sa pagbilis ng pagbabago ng klima.
Ang okra ay naglalaman ng mga polysaccharides, isang malagkit na plant sugar. Kapag hinalo ito sa tubig, kumakapit ito sa mga piraso ng plastik, nagkukumpol-kumpol at lumulubog sa ilalim ng tubig, kung kaya madali na itong maisasala ng mga tao.
Ayon sa mga resulta, kaya nitong tanggalin ang halos 80% ng mga mikroplastik mula sa tubig dagat. Kung hinalo ito sa buto ng fenugreek, 77% ng mikroplastik sa tubig-tabang ay matatanggal.
Ang pinakaepektibong proporsiyon upang gumana itong mabuti ay ang 1:1 na halo ng okra at fenugreek na nababad sa tubig. Kaya nitong tanggalin halos 77%-70% ng mga mikroplastik sa loob ng tatlongpung minuto.
Nagbibigay ng pag-asa para sa kalusugan ng mga tao ang balitang ito, dahil nagbibigay ito ng ligtas at makakalikasan na paraan upang linisin ang mga tubig na hindi nag-iiwan ng mga nakasasamang chemical residue na nakaaapekto sa ating kalusugan at nagdudumi ng ating kapaligiran.
Nakamamangha rin ang okra, na munti ngunit makapangyarihan, nagtatanggol sa ating kalusugan.
